Friday, January 8, 2016

Tagalog


Ang "Tagalog" ay nagmula sa "taga-ilog."

Hindi ko isusulat dito ang kasaysayan ng wikang Tagalog. Puwede itong mabasa sa WIkipedia o sa iba pang website.

Gusto ko lang ibahagi ang isang salita na madalas gamitin ng mga Tagalog. Ito ang salitang...

Mahal

Ano ba ang ibig sabihin nito?

Iniibig? Tama!  

Mataas ang halaga o presyo?  Oo!

Kaya, puwedeng sabihin na:
          Mahal kita!
          Ang mahal ng bilihin ngayon!


Subukan mo kung kaya mong ibigay ang kahulugan ng bawat pangungusap
       a. iniibig                  b. mataas ang presyo

1. Hindi niya mahal ang kaibigan niya.
2. Hindi na mahal ang kamatis ngayon.
3. Mahal mo ba ang pusa mo?
4. Gaano mo kamahal ang alaga mo?
5. Kamahal naman niyan daig pa ang ginto!



***a. love     b. expensive






No comments:

Post a Comment