Nakaka-stress ang gabing ito! Kakauwi lang namin at pakiramdam ko maghapon akong nawala sa bahay, pero ang totoo, alas-5 lang kami ng hapon umalis.
Pumunta kami sa Kingdom Hall para makipagpulong sa mga kapananampalataya namin. Bago magsimula ang pulong, biglang nawalan ng kuryente. Sobrang dilim ng paligid. Mabuti na lang, may dala silang flashlight!
Bumalik din ang kuryente pagkatapos ng 15 minuto. Pero bago matapos ang pulong, nag-blackout ulit.
Hindi kami kaagad nakauwi. Nanlambot ang kapatid kong lalaki. Anim na araw na siyang may lagnat. Bigla siyang nahilo kaya dinala namin siya sa ospital. Tiningnan ng doctor ang dugo niya, lalo na ang bilang ng platelets niya. Okay pa naman ang resulta kaya pinauwi rin kami.
Pagdating sa bahay, wala pa ring kuryente. Ang masama pa nito, kapag walang kuryente, wala ring tubig. Kaya nag-igib pa ako ng tubig. Haaay!
Mga alas-10 na nang magkaroon ng kuryente. Pagkatapos, nagklase pa ako!
No comments:
Post a Comment