Tuesday, January 19, 2016

Iniisip Ko

Nakatira sa malayo ang isa kong kapatid. Lagi namin siyang naaalaala. Nakakakain ba siya nang mabuti? May panggastos ba siya? Nakakatulog ba siya nang maayos?
Mula noon, palagi kaming magkakasamang buong pamilya. Ang eskuwelahan namin ay malapit lang sa bahay. Nag-aral kami sa pinagtatrabahuhan noon ng mga magulang ko. Kaya halos 24 oras kaming magkakasama.
Nagsimula kaming magkalayo tatlong taon matapos akong maka-graduate sa kolehiyo. Napunta ako sa Maynila. Tatlong taon ako roon. Pero bumalik din ako kasama nila.
Sumunod namang lumayo ang kapatid kong lalaki. Noong Agosto lang siya lumipat doon para magtrabaho. Gusto rin niyang tumayo  sa sarili niyang paa. Hanga ako sa kaniya kasi malakas ang loob niyang gawin iyon.
Maraming matututuhan ang isa kapag nagsasarili siya at namumuhay mag-isa. Matututo siyang magbadyet ng pera, gumawa ng gawaing-bahay, umayos ng sarili niyang problema. Pero sa tingin ko, hindi ito para sa lahat ng tao. May ilan na takot, gaya ko.

No comments:

Post a Comment