Mahilig ka ba sa pabango? Ako? Hindi ako sigurado. Gusto ko ng mabangong amoy- sa damit, sa kuwarto, sa pagkain, sa kasama ko. Siyempre gusto ko ring mabango ako. Pero, hindi lahat ng pabango gusto ng ilong ko. Kung minsan, sinisipon ako dahil sa pabango. Madalas na hindi ko nauubos ang pabango kasi nagsasawa ako sa amoy.
Kamakailan, may tiningnan akong website ng mga pabango. Magkakahalo ang komento ng mga tao. Tama naman, magkakaiba ang gusto ng bawat isa. May binabagayan rin ang mga pabango.
Mahirap bumili base lang sa sinasabi ng iba. Marami ang kailangang pag-isipan. Bagay ba ito sa kemistri ng katawan ko? Hindi ba masakit sa ulo ang amoy? Nagtatagal ba ang amoy nito? Nagiging masangsang ba ito kapag pinawisan ka?
Narito ang ilang pabango na naalaala kong ginamit ko:
Jovan Musk- noong bata pa ako; hindi ko naubos ang isang bote
VS Strawberries and Champagne- una kong body mist na galing sa VS; pahinto-hinto ang paggamit
VS Endless Love- noong nag-aaral pa ako sa unibersidad; pahinto-hinto ang paggamit
VS Beauty Rush Honey Do- unang body mist na naubos ko
BBW Cucumber Melon -gusto ko pero hindi ko maalaala kung naubos ko
D&G Light Blue- unang pabango na naubos ko
Lanvin Eclat d'Arpege- hindi ko pa tapos ang isang bote
BBW Mad About You- hindi pa ubos
BBW Brown Sugar and Fig - ipinamigay
BBW Wild Honeysuckle - hindi pa ubos
Gusto kong subukan dahil matamis daw ang amoy: Gold Sugar, Pink Sugar, Laura Mercier Creme Brulee, Thierry Mugler Angel, Dolce (Paano kung masangsang pala???)
Anong mga pabango ang gusto mo? Ano ang paborito mo?
No comments:
Post a Comment