Linggo ngayon at hapon pa lang ay may nagvi-videoke na sa kapitbahay namin! Magdamagan na naman siguro ang kantahan.
May mga klase ako ngayon gabi. Hindi ko alam kung ano ang magigng epekto ng ingay sa mga klase ko. Haaay!
Mahilig ang mga Pinoy sa kantahan. Kapag may handaan, laging may videoke. Ang tunog nito ay madalas abot hanggang kabilang kanto. Kaya dapat laging maghanda ng pantakip ng tainga para makatulog sa gabi.
Madalas na kinakanta ng mga kapitbahay ang mga lumang kanta gaya ng Anak, Two Less Lonely People, Pusong Bato, My Way, Quando, at iba pa.
May ilang magagaling kumanta, pero madalas ang sintunado. Marami rin ang mahilig bumirit.
Nasubukan mo na bang mag-videoke? Ano ang kinanta mo?
Sunday, January 31, 2016
Friday, January 29, 2016
Iniisip ko: Pabango
Mahilig ka ba sa pabango? Ako? Hindi ako sigurado. Gusto ko ng mabangong amoy- sa damit, sa kuwarto, sa pagkain, sa kasama ko. Siyempre gusto ko ring mabango ako. Pero, hindi lahat ng pabango gusto ng ilong ko. Kung minsan, sinisipon ako dahil sa pabango. Madalas na hindi ko nauubos ang pabango kasi nagsasawa ako sa amoy.
Kamakailan, may tiningnan akong website ng mga pabango. Magkakahalo ang komento ng mga tao. Tama naman, magkakaiba ang gusto ng bawat isa. May binabagayan rin ang mga pabango.
Mahirap bumili base lang sa sinasabi ng iba. Marami ang kailangang pag-isipan. Bagay ba ito sa kemistri ng katawan ko? Hindi ba masakit sa ulo ang amoy? Nagtatagal ba ang amoy nito? Nagiging masangsang ba ito kapag pinawisan ka?
Narito ang ilang pabango na naalaala kong ginamit ko:
Jovan Musk- noong bata pa ako; hindi ko naubos ang isang bote
VS Strawberries and Champagne- una kong body mist na galing sa VS; pahinto-hinto ang paggamit
VS Endless Love- noong nag-aaral pa ako sa unibersidad; pahinto-hinto ang paggamit
VS Beauty Rush Honey Do- unang body mist na naubos ko
BBW Cucumber Melon -gusto ko pero hindi ko maalaala kung naubos ko
D&G Light Blue- unang pabango na naubos ko
Lanvin Eclat d'Arpege- hindi ko pa tapos ang isang bote
BBW Mad About You- hindi pa ubos
BBW Brown Sugar and Fig - ipinamigay
BBW Wild Honeysuckle - hindi pa ubos
Gusto kong subukan dahil matamis daw ang amoy: Gold Sugar, Pink Sugar, Laura Mercier Creme Brulee, Thierry Mugler Angel, Dolce (Paano kung masangsang pala???)
Anong mga pabango ang gusto mo? Ano ang paborito mo?

Sunday, January 24, 2016
Si Bona at ang Ulan
"Haay! Umuulan na naman..."
Kailangang pumasok si Bona sa paaralan, pero tumingin siya sa labas.
"Magdadala na ako ng payong..." ang sabi ni Bona sa sarili niya.
Naalaala ni Bona ang nangyari isang araw na umuulan gaya nito.
"Bona, may payong ka?" ang tanong ni Rosa, kaklase ni Bona.
"Wala, hindi ko naman alam na uulan," ang sagot niya.
Tumingin si Bona sa paligid. Lahat sila ay may payong.
"Bakit ba hindi ako nagdala ng payong? Sabi na nga ni nanay na dalhin ko ang payong ko." Napakunot ang noo niya.
Isa- isang nag-alisan ang mga kaklase ni Bona. Wala man lang nag-alok sa kaniya ng payong. Kahit si Rosa ay hindi nagyayang sumabay sa kaniya.
Naiwan siya roon sa eskuwelahan. Nag-iisa.

Thursday, January 21, 2016
Si Bona at ang Sorbetes
Matalinong bata si Bona. Lahat ng sabihin ng mga magulang niya ay sinusunod niya. Masipag din siyang mag-aral kaya matataas ang marka niya sa eskuwelahan. Mahilig din siyang maglinis ng bahay.
Minsan, habang naglalampaso siya ng sahig -
Kling! Kling! Kling! Kling!
Napangiti si Bona. Gusto niya ng sorbetes!
"Nanay, puwede ba akong bumili ng sorbetes?" ang tanong ni Bona.
"Sige, kung may pera ka," ang sagot ni Mrs. dela Cruz.
Nagmamadaling lumabas si Bona dala ang mga baryang iniipon niya araw-araw.
BAAG!
Sa kakamadali, hindi napansin ni Bona na basa pa ang sahig na nilinis niya kaya nadulas siya. Lahat ng baryang nasa palad niya ay tumilapon.
Isa-isa niyang pinulot ang mga barya habang unti-unting humihina ang tunog ng kuliling ng sorbetero...
Kling! Kling! Kling! Kli... ng!......
Wala na ang sorbetero.

Iniisip Ko: Nakaka-stress ang Gabing Ito!
Nakaka-stress ang gabing ito! Kakauwi lang namin at pakiramdam ko maghapon akong nawala sa bahay, pero ang totoo, alas-5 lang kami ng hapon umalis.
Pumunta kami sa Kingdom Hall para makipagpulong sa mga kapananampalataya namin. Bago magsimula ang pulong, biglang nawalan ng kuryente. Sobrang dilim ng paligid. Mabuti na lang, may dala silang flashlight!
Bumalik din ang kuryente pagkatapos ng 15 minuto. Pero bago matapos ang pulong, nag-blackout ulit.
Hindi kami kaagad nakauwi. Nanlambot ang kapatid kong lalaki. Anim na araw na siyang may lagnat. Bigla siyang nahilo kaya dinala namin siya sa ospital. Tiningnan ng doctor ang dugo niya, lalo na ang bilang ng platelets niya. Okay pa naman ang resulta kaya pinauwi rin kami.
Pagdating sa bahay, wala pa ring kuryente. Ang masama pa nito, kapag walang kuryente, wala ring tubig. Kaya nag-igib pa ako ng tubig. Haaay!
Mga alas-10 na nang magkaroon ng kuryente. Pagkatapos, nagklase pa ako!

Tuesday, January 19, 2016
Iniisip Ko
Nakatira sa malayo ang isa kong kapatid. Lagi namin siyang naaalaala. Nakakakain ba siya nang mabuti? May panggastos ba siya? Nakakatulog ba siya nang maayos?
Mula noon, palagi kaming magkakasamang buong pamilya. Ang eskuwelahan namin ay malapit lang sa bahay. Nag-aral kami sa pinagtatrabahuhan noon ng mga magulang ko. Kaya halos 24 oras kaming magkakasama.
Nagsimula kaming magkalayo tatlong taon matapos akong maka-graduate sa kolehiyo. Napunta ako sa Maynila. Tatlong taon ako roon. Pero bumalik din ako kasama nila.
Sumunod namang lumayo ang kapatid kong lalaki. Noong Agosto lang siya lumipat doon para magtrabaho. Gusto rin niyang tumayo sa sarili niyang paa. Hanga ako sa kaniya kasi malakas ang loob niyang gawin iyon.
Maraming matututuhan ang isa kapag nagsasarili siya at namumuhay mag-isa. Matututo siyang magbadyet ng pera, gumawa ng gawaing-bahay, umayos ng sarili niyang problema. Pero sa tingin ko, hindi ito para sa lahat ng tao. May ilan na takot, gaya ko.

Friday, January 15, 2016
Salita Ngayon
Nakakainis - annoying
Halimbawa:
Nakakainis ang panahon ngayon; bigla na lang iinit pagkatapos, lalamig. (The weather is annoying; it would suddenly become hot then cold.
Nakakainis ka. Huwag kang tanong nang tanong. (You are annoying. Stop asking too much questions)

Sunday, January 10, 2016
Saturday, January 9, 2016
Salita Ngayon
Pananampalataya - faith
Ito ang isa sa mga napakahabang salita sa Tagalog na kung isusulat sa Ingles ay 5 letra lamang. Ito ay noun o pangngalan.
Ang ibang mga anyo ng salitang ito:
manampalataya- to put faith
Manampalataya ka sa Diyos.
nanampalataya- had faith
Nanampalataya siya sa Diyos.
mananampalataya - will put faith
Mananampalataya ako kung makikita mismo ng mga mata ko.
nananampalataya- has faith
Nananampalataya ako na gagaling siya
mananamapataya- believer
Si Andres ay isang mananampalataya.

Friday, January 8, 2016
Gusto vs. Ayaw
Ginagamit ang salitang 'gusto' para sa like or want. Ang 'ayaw' naman ay ang kabaligtaran nito.
Puwede nating sabihin:
Gusto ko ang niluto mo.
Gusto kong kumain.
Gusto ko ng spaghetti.
Gusto mo bang umalis?
Ano ang gusto mong puntahan?
Ayaw ko ang suot mo.
Ayaw kong magbihis.
Ayaw ko ng pantalon.
Ayaw mo bang mag-laro?
Ano ang ayaw mong kainin?
Subukan mo naman ngayong gumawa ng sarili mong pangungusap.
😊😊😊

Tagalog
Ang "Tagalog" ay nagmula sa "taga-ilog."
Hindi ko isusulat dito ang kasaysayan ng wikang Tagalog. Puwede itong mabasa sa WIkipedia o sa iba pang website.
Gusto ko lang ibahagi ang isang salita na madalas gamitin ng mga Tagalog. Ito ang salitang...
Mahal
Ano ba ang ibig sabihin nito?
Iniibig? Tama!
Mataas ang halaga o presyo? Oo!
Kaya, puwedeng sabihin na:
Mahal kita!
Ang mahal ng bilihin ngayon!
Subukan mo kung kaya mong ibigay ang kahulugan ng bawat pangungusap
a. iniibig b. mataas ang presyo
1. Hindi niya mahal ang kaibigan niya.
2. Hindi na mahal ang kamatis ngayon.
3. Mahal mo ba ang pusa mo?
4. Gaano mo kamahal ang alaga mo?
5. Kamahal naman niyan daig pa ang ginto!
***a. love b. expensive
Subscribe to:
Posts (Atom)