Medyo nahihilo ako ngayon. Mabigat din ang ulo ko. Mahaba naman ang tulog ko kagabi. Bakit kaya?
Nagbasa ako sa Internet ng tungkol sa nararamdaman ko. May nabasa akong forum na halos lahat ng kapareho ko ang nararamdaman ay may scoliosis. Naalaala ko na noong bata ako, nakita ng pedia ko na may 'slight scoliosis' ako. Dahil kaya roon?
Naisip ko rin na baka mataas ang antas ng sugar ko. Nitong nakakaraang araw ay panay ang kain ko ng Nips. Hehehe.
O, baka dahil tumnatanda na ako magme-menopause na ako. May nabasa rin ako sa Internet na maagang nagme-menopause. Haaay... parang masyado namang maaga.
Hindi ko talaga alam. Kaya habang nagsusulat ako ngayon, nakatutok sa akin ang bentilador.