Friday, February 12, 2016

Iniisip Ko: Kinahihiligan Ko Ngayon

Nahihilig ako ngayong magbasa tungkol sa mga pabango. Madalas kong basahin ang mga review sa isang website tungkol sa iba't ibang pabango na lumabas noon at ngayon.

Nakakatuwa ring makita ang iba't ibang uri ng bote, ang mga pangalan, at mga sangkap na ginagamit sa pabango.

Ang totoo, hindi ko naman maaamoy ang mga pabangong binabasa ko kasi wala namang tindahan ng pabango rito.

Basta nasisiyahan lang ako sa pagbabasa.

Ano ang kinahihiligan mo ngayon?